text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Pamantasang Brunel Londres |
Ang Pamantasang Brunel Londres ( Ingles : Brunel University London ) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Uxbridge , Kanlurang London , United Kingdom. |
Itinatag noong 1966 , ito ay ipinangalan sa inhenyerong Victorian na si Isambard Kingdom Brunel. |
Ito ay organisado sa tatlong kolehiyo at tatlong pangunahing instituto sa pananaliksik. |
Ang Brunel ay may higit sa 12,900 mag - aaral at 2,500 kawani , at merong kabuuang kita na PS 200.7 milyon noong 2014 / 15 , kung saan 25 % ay mula sa mga gawad at kontrata sa pananaliksik. |
Ang Brunel ay miyembro ng Association of Commonwealth Universities , European University Association , at Universities UK. |
Allacapan |
Ang Bayan ng Allacapan ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas. |
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 26,960 katao sa 5,260 na kabahayan. |
Ang bayan ng Allacapan ay nahahati sa 27 mga barangay. |
Coordinates : 18 deg 15 ' N 121 deg 35 ' E / 18.250 deg N 121.583 deg E / 18.250 ; 121.583. |
Eldoret |
Ang Eldoret ay isang pangunahing lungsod sa Kenya. |
Ito ang kabisera ng Kondado ng Uasin Gishu. |
Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng bansa , timog ng mga Burol ng Cherangani. |
Isa ito sa mga pinakamataong lungsod sa bansa , na may populasyong 289,380 katao ayon sa senso noong 2009. |
Ratiles ni Logan |
Ang loganberi o ratiles ni Logan ( Ingles : loganberry ; Rubus x loganobaccus ) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy ( blackberry ) at ng raspberi / sapinit ( raspberry ) o dewberry ( Rubus sect. |
Eubatus ). |
Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula - mulang purpura. |
Kauri ito ng titaw , banut , atibulnak , datung , palanaw , bunot , pilay , at duhat. |
Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan ( 1841 - 1928 , kilala rin bilang J. H. Logan ) , isang Amerikanong manananggol at hortikulturista. |
Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz , California. |
Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos. |
Ossimo |
Ang Ossimo ay isang comune sa lalawigan ng Brescia sa bansang Italya. |
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata. |
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia. |
LazioLiguriaLombardyMarche. |
MolisePiemonteSardiniaSicilia. |
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto. |
Akselerasyon |
Ang akselerasyon ay isang sukat ng kung gaano katulin ang pagbabago ng belosidad. |
Samakatuwid ito ang " pagbabago ng tulin sa isang nasukat na saklaw ng oras ". |
Ito ang pagbabago ng belosidad na hinati ng pagbabago ng oras. |
Isang bektor ang akselerasyon , kaya 't kasama kapwa ang isang sukat o laki at isang kapupuntahan o direksiyon. |
Katumbas ang akselerasyon ng mga katagang pagbilis , buwelo , pagsibad , darasi , arangkada , ratsada , salida , pagtulin , at pagliksi. |
Ang Viuda Alegre |
Ang Ang Viuda Alegre ay isang pelikulang Pilipino na gawa sa ilalim ng X 'Otic Films. |
Prepektura ng Miyagi |
Ang Miyagi ay isang prepektura sa bansang Hapon. |
Giuliano Tadeo Aranda |
Si Giuliano Tadeo Aranda ( ipinaganak Pebrero 21 , 1974 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil. |
Estratehiya |
Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na pamamaraan. |
Unang ginamit ang salita ng militar. |
Nagmula ito sa sinaunang salitang Griyego para sa pangkalahatang opisyal ( pinunong panglahat ) na nag - uutos at namumuno sa lahat ng sandatahang lakas ng isang estado. |
Ang estratehiya ay isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin upang makamit ang isang tiyak na layunin. |
Kapag ang pinag - uusapan ay ang malapit na hinaharap , madalas na ginagamit sa pakikipag - usap ang salitang taktika. |
Sa kasalukuyan , ang salitang " estratehiya " ay madalas nang ginagamit ; ang mga tao ay maaaring tumalakay - bilang halimbawa - ng hinggil sa " estratehiya sa negosyo ". |
Lorenzo Tanada III |
Si Lorenzo " Erin " Reyes Tanada III ( ipinanganak 16 Agosto 1963 ) ay isang Pilipinong politiko. |
Kasapi siya ng partido Liberal. |
Nahalal siya bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas , bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon simula noong 2004 hanggang 2013. |
Si Erin sa kanyang mga kaibigan , ay kinatawan ng ikatlong henerasyon ng mga Tanada sa politika. |
Apo siya ng dating Senador Lorenzo M. Tanada na kilala sa kanyang maaanghang na mga pananalita , mahusay na pakikipagdebate at walang takot na paglaban sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos , at anak ni dating Senador Wigberto E. Tanada. |
Siya ang panganay sa apat na anak ni Bobby Tanada. |
Ang tatlo pa niyang kapatid ay sina Toby , Mar and Trina. |
Nagsimula si Erin bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas , bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon. |
Siya ang Tagapangulo ng Komitiba sa Karapatang Pantao sa mababang kapulungan. |
Gayundin katulong na Tagapangulo siya ng mga komitiba sa Globalisasyon at WTO at ng Kapayapaan , Rekonsilyashon , at Pagkakaisa. |
Muli siyang nahalal bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa natapos na Pangkalahatang halalan. |
Noong Mayo 2010 , nagbigay daan siya sa kinatawan ng Lungsod Quezon na si Sonny Belmonte para sa pagka - Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. |
Pinaghating 100 |
Simple lang ang buhay na ibig ni Paraluman subalit gustong yumaman ang pangarap ni Fred Montilla na sa kalaunan ay nauwing lahat sa wala. |
Pambansang Pormularyo |
Ang Pambansang Kalipunan ng mga Gamot , Pambansang Pormularyo ng mga Medikamento , o Pambansang Pormularyo ng mga Medikamente ay isang manwal o gabay na aklat na naglalaman ng isang talaan ng mga gamot o medikamenteng pinahulutan sa pagrereseta sa kabuoan ng isang bansa. |
Ipinapakita sa sangguniang aklat na ito ang kung anong mga produkto ang mapapagpalit - palit. |
Kinabibilangan din ito ng mga susing kabatiran hinggil sa kumposisyon o sangkap , paglalarawan , pagpipilian o seleksiyon , preskripsyon , pagbibigay , at pamamahala ng mga mga gamot. |
Malinaw na ipinababatid ang mga gamot na hindi gaanong kaaya - aya para ipagamit sa mga pasyente. |
Sa ilang mga bansa , mayroong mga kalipunan o mga pormularyong pangrehiyon ( rehiyonal ) at panglalawigan ( probinsiyal ) sa halip na pambansang pormularyo. |
Maaari ring pandagdag ang rehiyonal at pamprobinsiyang pormularyo para sa pambansang pormularyo. |
San Bellino |
Ang San Bellino ay isang comune sa lalawigan ng Rovigo sa bansang Italya. |
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata. |
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia. |
LazioLiguriaLombardyMarche. |
MolisePiemonteSardiniaSicilia. |
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto. |
Alhebra |
Ang Alhebra ay isang sangay ng matematika na pag - aaral ng mga batas ng mga operasyong matematika , ugnayan ( relation ) , at paglikha ng mga konsepto na nagmumula sa mga ito gaya ng mga termino ( term ) , polinomial , ekwasyon , at strakturang alhebraiko. |
Aritmetika * Alhebra ( elementaryo - linyar - multilinyar - abstrakto ) * Heometriya ( diskreto - alhebraiko - diperensiyal ) * Trigonometriya * Kalkulo * Matematikal na analisis * Teoriya ng hanay * Lohika * Teoriya ng kategorya * Teoriya ng bilang * Kombinatorika * Teoriya ng grapo * Topolohiya * Teoriyang Lie * Ekwasyong diperensiyal * Mga sistemang dinamikal * Matematikal na pisika * Numerikal na analisis * Teoriya ng komputasyon * Teoriya ng impormasyon * Probabilidad * Estadistika * Optimisasyon * Teoriya ng kontrol * Teoriya ng laro. |
Purong matematika * Nilalapat na matematika * Diskretong matematika * Komputasyonal na matematika. |
Inuming pampalamig |
Ang inuming pampalamig o soft drink ( literal na " malambot na inumin " , " banayad na inumin " o " suwabeng inumin " , kilala rin bilang pop , soda , toniko , sodang pop , o mga mineral ) ay mga inuming karbonado o may karbon , na gawa mula sa mga konsentrado at asukal. |
May ilang may mga lasa o pampalasa. |
Ilan sa mga uri ng sopdrink ang Sprite , 7 Up , Pepsi at Coca - Cola. |
Ekspedisyong Challenger |
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Challenger expedition ng Ingles na Wikipedia , partikular na ang bersiyong ito. |
Ang ekspedisyong Challenger ng 1872 - 76 ay isang ekspedisyong pang - agham na nakagawa ng maraming tuklas na naglatag ng pundasyon sa oseanograpya , na ipingangalan sasakyang - dagat nito , ang HMS Challenger. |
Inodyok ng Eskoses na si Charles Wyville Thomson - - ng Unibersidad ng Edinburgh at Merchiston Castle School - - nakuha ng Royal Society of London ang paggamit ng Challenger mula sa Royal Navy at noong 1872 mabago ito para sa trabahong pang - agham , ginawan ng hiwalay na laboratoryo para sa likas na kasaysayan at kimika. |
Naglayag ang barko na pinamumunuan ni Kapitan George Nares , mula sa Portsmouth , Inglatera , noong Disyembre 21 , 1872. |
Sa ilalim ng pangangasiwang pang - agham mismo ni Thomson , naglakbay ito ng halos 70,000 milyang nawtika na nagsisiyasat at nagtutklas. |
Ang resulta ay ang Report Of The Scientific Results of the Exploring Voyage of H.M.S. |
Challenger during the years 1873 - 76 na kung saan , bukod sa marami pang ibang tuklas , nakapagtala ng higit sa 4000 na dating hindi kilalang species. |
Inilarawan ni John Murray , na nangasiwa ng publikasyon , ang ulat bilang " ang pinakamalaking pagsulong sa kaalaman ng ating planeta mula sa mga bantog na tuklas ng ikalabinlima at ikalabing - anim na siglo ". |
Nagbalik ang Challenger sa Spithead , Hampshire noong Mayo 24 , 1876 , gumugol ng 713 na araw na sa dagat sa kabuuang 1,606. |
Sa kanyang paglalakbay , 68,890 - nautical - mile ( 127,580 km ) nangasiwa ito ng 492 deep sea soundings , 133 bottom dredges , 151 open water trawls , 263 serial water temperature observations , at natuklas ng 4,717 mga bagong species ng hayop sa dagat. |
Nakaimbak ang sipi ng mga nakasulat na talaan ng Expedisyong Challenger sa iba 't ibang institusyong pandagat sa buong UK kabilang ang National Oceanography Centre , Southampton at ang Dove Marine Laboratory sa Cullercoats , Tyne at Wear. |
Ang Space Shuttle Challenger ay ipinangalanan sa HMS Challenger. |
Subsets and Splits